Friday Night Live (?)
Coming from a Kapamilya, this may seem biased, pero gusto ko lang iparating na maganda ang current line-up ng shows sa Primetime Bida. Mula sa Singing Bee, Lobo (ay wow!), PBB Teen Edition Plus (minsan, corny at nakakaleche, pero pag makita ko lang ang duo, ay sumasaya na ulet), Maligno (I'm already humming the theme! Yay!), at Lovers (lately, nakakaasar na yung storyline, haha! Pero kung bakit, isa itong sikreto. :-P). May MMK pa sa friday nights (currently watching the Mother's day episode with Bea! Namimiss ko na pala ang MSKM!!!). Sa totoo lang, medyo iniiwasan ko ang panunuod o pagbabasa ng mabibigat yung plots etc. Napapaisip kasi ako. And for the most part of it, nagsasanga sanga na sila. And then theory formulation na. Blame it to boredom! Or siguro, sakin na din. :-PSa totoo lang, corny na din ang maging malungkot. Kaya kumakain lang ako. Lately, mas nakakabother ang walang kasingtulad na boredom. Ang saya kaya nung isang araw. Tas naging busy dahil may inasikaso. Tas ngayon, idle naman. Nakakamatay. Grabe. Ok. Nakatingin na naman ako sa space. Wow. Kakaiba nato. AYYYY! Iisipin ko na lang yung latest na nagpapasaya saken na LSS ko. WAHAHAHAHA. OMG. Di ako ma-over sa kabulastugan nung mamang yun. Hahaha. :)) Lately lang nagsisink-in saken yung ginawa niyang out of this world, palibhasa bago sa pandinig ko. HAHA!PS. Box Office talaga. haha!
PGH Blue Card
As of now, I feel tired and a little depressed. Napabilis ang aking pagbabalik sa Maynila due to a certain number of reasons. Actually, I've no intention talaga na makita muna ang CAS para naman mamiss ko naman din kahit pano. (Un)Fortunately, nasira yun nung dumaan ako dun kahapon. Pati pala kanina. Kahapon was fine and good. Ngayon was way way way worse. Anyway, my advice is that hindi ako mejo dapat na nilalapitan lately. Or momentarily for that matter. Hindi ko din alam. Medyo pabago-bago din kasi ang mood ko. Tulad kanina. Financially, Physically, Psychologically, at Intellectually Wasted ako kanina. For starters, galing pala ako ng PGH, at tinulungan si Jena na magpa-admit. Tangina, (at di pa ako nagrereklamo nito ah!), ako ata ang gumalaw! Naging dakilang utusan ako by the way. Palibhasa, alam na alam ko ang pasikot sikot ng PGH, and mga wards, pharmacies, OPD, cashier, exit halls, laboratories, photocopying machines and the like. So, it was very beneficial for them. My gulay, what would they do without me.Apparently, instant blood donor din pala ako. So, dapat nagpahinga na ako. But NO. Ay, di pala ako nakapag-breakfast. Tas I ran errands pa. Yey. :) Well, bestfriend naman kasi, at ako lang ang andun the entire duration, so no choice. Come afternoon, I seemed like I ran the whole mile. But I still had to buy those medicines and stuff para matapos lang. Wow diba. Kaya eto, masakit ang ulo ko, masama pa loob ko. Nakakastress magmingle sa mga pasyente at warring hospital staff, nurses and all. At marami pang kabwisitan na itatago ko na lang muna. Nag-isip na lang ako ng magagandang bagay wag lang masira ang araw ko. When I decided to take the day off (wow, katulong?), it was like I've just had my Annus Horribilis. And I was unexpectedly depressed. Read: Depressed. So, I grabbed a whole dozen of Go Nuts, at nilantakan lahat. Wala, binuhos ko sa pagkain. Bumili din ako ng freshly squeezed mango juice and a bottle of water. So, kumain ako mag-isa. Mag-isa. Nakakabadtrip na wala kang makausap talaga at mag-rant kaya eto, bottled-up emotions na naman. Pfffft. :)Kaya sana gumaling na siya. Dahil ewan ko na lang ha. Grabe naman na ata yang sinapit ko.PS. I was in PGH the entire 13 grueling hours, 6am up to 7pm. Talk about endurance! :-P
SM Advantage Card :-P
I should be sleeping already. I've been told not to sleep late for tomorrow's mission. Blood Donation. :) For Jena. Kelangan gumising ng 3:30am dahil 6am, dapat andun na. Which I hope I could do. Nakakapagod kasi ang araw. Been running to and fro para kay Jena, at tumunton ng mga lugar. Masaya naman. Yey to that.
Two Big days in a row. Argh. At least, masaya naman. :) It's so nice to be back. I probably need to muster every reason possible para di na ako bumalik ulet sa tinakasan ko na nasa malayo na. Currently, ilang araw pa lang, dalawang reason agad. Namiss ko pala si Jena, at dumaldal sa kanya. Hehe.
Kelangan ng matulog. So bye for now. O, ayan ha. Nakangiti na. Mukha ng aso. Wahahaha. :)