PGH Blue Card
As of now, I feel tired and a little depressed. Napabilis ang aking pagbabalik sa Maynila due to a certain number of reasons. Actually, I've no intention talaga na makita muna ang CAS para naman mamiss ko naman din kahit pano. (Un)Fortunately, nasira yun nung dumaan ako dun kahapon. Pati pala kanina. Kahapon was fine and good. Ngayon was way way way worse.Anyway, my advice is that hindi ako mejo dapat na nilalapitan lately. Or momentarily for that matter. Hindi ko din alam. Medyo pabago-bago din kasi ang mood ko. Tulad kanina. Financially, Physically, Psychologically, at Intellectually Wasted ako kanina. For starters, galing pala ako ng PGH, at tinulungan si Jena na magpa-admit. Tangina, (at di pa ako nagrereklamo nito ah!), ako ata ang gumalaw! Naging dakilang utusan ako by the way. Palibhasa, alam na alam ko ang pasikot sikot ng PGH, and mga wards, pharmacies, OPD, cashier, exit halls, laboratories, photocopying machines and the like. So, it was very beneficial for them. My gulay, what would they do without me.
Apparently, instant blood donor din pala ako. So, dapat nagpahinga na ako. But NO. Ay, di pala ako nakapag-breakfast. Tas I ran errands pa. Yey. :) Well, bestfriend naman kasi, at ako lang ang andun the entire duration, so no choice.
Come afternoon, I seemed like I ran the whole mile. But I still had to buy those medicines and stuff para matapos lang. Wow diba. Kaya eto, masakit ang ulo ko, masama pa loob ko. Nakakastress magmingle sa mga pasyente at warring hospital staff, nurses and all. At marami pang kabwisitan na itatago ko na lang muna. Nag-isip na lang ako ng magagandang bagay wag lang masira ang araw ko.
When I decided to take the day off (wow, katulong?), it was like I've just had my Annus Horribilis. And I was unexpectedly depressed. Read: Depressed. So, I grabbed a whole dozen of Go Nuts, at nilantakan lahat. Wala, binuhos ko sa pagkain. Bumili din ako ng freshly squeezed mango juice and a bottle of water. So, kumain ako mag-isa. Mag-isa. Nakakabadtrip na wala kang makausap talaga at mag-rant kaya eto, bottled-up emotions na naman. Pfffft. :)
Kaya sana gumaling na siya. Dahil ewan ko na lang ha. Grabe naman na ata yang sinapit ko.
PS. I was in PGH the entire 13 grueling hours, 6am up to 7pm. Talk about endurance! :-P