The Walls of Jerico
Miss ko na pala si Jerico. Antagal na pala simula nung iwan ko siya. :) Nalungkot ako. Iniwan ko pala siya. Naaalala ko dati, sinabi niya, iniyakan niya pala ako nung nawala ako. Mahalaga pala ako sa kanya. Sa presensiya niya, isa akong bata na may kasa-kasamang kuya na hindi pwedeng galawin kahit nino. Nagagalit siya saken kapag hinahayaan ko ang iba na daan-daanan ako, sabagay, hindi naman daw habang panahon na kasama ko siya. Pero pag may kagalit ako, kagalit na din niya. Madalas, pareho kami ng naiiisip, at ang mga isyu na gumugulo saken, iniisip din niya. Sinusubukan niyang solusyunan kahit labas na siya. Madalas kaming maglakad pauwi, tinatawanan yung mga tao at iniisipan ng pwedeng sinasabi dahil malayo sila. Pati mga nagtatagpo sa gabi, tinatawanan. Lagi kong hinihintay na sabay kami umuwi, dahil yun ang pagkakataon na magtanong ako ng kahit ano, kahit di relevant. Na madalas niyang sinasagot. Tinatanong din niya ako. Napagtanto ko na lang, sinasanay pala ako na mag-isip at humukay. Sa pagdaan, nakakasabay na din ako at nagbibigay ng payo. Masaya ako na nakakatulong, lalo pag tinatanggap niya. Hindi ko alam kung paano ipapakita ang ambag niya saken, kaya ang anumang mahalaga sa kanya, pinapahalagahan ko din. Matalino siya. At gusto ko din maging katulad niya. Pag umiiyak siya, ako ang nasasaktan, parang ang diyos na inukit ko at tinitingala ko ay unti-unting gumuguho sa aking harapan. Ngunit tao din pala siya, na mataas lamang at inilagay ko sa pedestal. Nasasaktan, pero tumatapang. Gusto ko din tumapang. Protektahan ang iba tulad ng ginawa niya saken. Gusto kong iparating na hindi sayang ang mga pangaral at ehemplo na siya.Ngayon, kailangan ko siya. Ang sarili kong depensa, nasisira ng mabilis sa inaakala. Natatakot ako humingi ng tulong dahil baka iba ang matanggap ko sa hinihingi ko. Kaya iniisip ko ang mga taong gusto kong protektahan. Ako ang tutulong.
Minsan, dadalawin kita. Pero gagawin ko yun kapag may maikukwento na akong ikatutuwa mo. Hindi naman siguro ganun katagal. Tutal, ako ang umalis, dapat lang na ako ang bumalik. :)