Thursday, August 09, 2007

Padaplis-hangin

Ang mahirap sa mga pasaring, o padaplis-hangin, madami, kung hndi lahat, tinatamaan. Kahit hindi para sa kanila yun. Pero maigi na din siguro na ganito. At least, mukhang hindi magmimintis. Sasabihin ng iba na kaduwagan din 'to e. Pero kanya kanyang diskarte lang yan. Hindi naman lahat ng naglakas-loob nagtagumpay e.

Kung sinuman ang nakaisip gumawa ng ganito, I highly commend you. Nga pala, ginaya ko lang tong entry na to. Ayun. Syempre, for continuity, 20 din sila.

1.Kaibigan kita. Pero, kakaiba. Natatakot ako sa'yo. I mean, sa inyo. Hindi siguro takot. More of, ilag. Nangingilag. Simula nung sambitin mo yung apat na salitang iyon. Tas ginaya pa nung isa. At nung isa. Ayus lang sana e. Kaso hndi naman kelangan sabihin. Kung alam niyo lang ang mga pangyayari.

2. Ikaw naman. Dati naman ayus e. Pero siguro hndi magandang vibes. Tas lately, may ginawa ka pa na karumal-dumal. Dapat di nalang ngyari yun. Tgnan mo. Hndi na ata kita mapapatawad. For now.

3.Mabait ka naman. Yun lang. At napagod na lang ako bgla ng laging may initiative ako. Pero ayus na din naman. Eto na yung pinakakahintay ko e. Bumalik na lang sa normal.

4.Hindi talaga tayo dapat close. Kasi magkaiba tayo e. Kumbaga, dulo dulo tayo. Ubod ka ng bait. Andun ka pag gusto kita kulitin kasi may ikokonsulta ako. At hndi ka naman mag-aatubili. Tsk. Given different circumstances, malamang, sa ibang anggulo kita nakita. Tsk. Mahina pa naman ako sa ganyan sitwasyon. Vulnerable.

5.Ikaw naman. Tsk. Isa ka pa. Pero masaya ako andyan ka lang. Mangangapa ako pag wala ka. Nasambit mo dati na malamang madami kang hndi magagawa kung wala ako. Tatapatan ko yan. Malamang hndi ko malalalaman na madami pala akong magagawa, kung wala ka.

6.Aliw na aliw ako sayo. Pag kasama kita, parang ibang tao ako. Tas natatawa ka pa. Uy ha, hndi yun sadya. Medyo takot ako sayo. Pero siguro, kaakibat na talaga yun. Ayus lang. Nahuli ko na ang loob mo. Tiwala akong kahit ganyan naman, sa akin lang ang ganyang trato.

7.Simple lang. Galit ako sa'yo. Yung tipong nabubuhay, resurgent. Matindi. Sobrang tindi na you are worth a more lengthy column.

8.Masaya ako pag kasama kita. Parang obligado akong tumanda beyond my age pag kasama ka. Kasi alam kong I wouldn't keep up kung andito lang ako. Ayus naman, nagpapang-abot tayo. Kaya lang, takot din ako sayo. O siguro respeto. Whatever man yun. Siguro dahil hndi ka nag-aatubili sabihin ang totoo, kahit masakit pakinggan. Nakakatakot. Pero, anlaki ng itinulong mo sa pagkatao ko. Sobra. Natakot din ako. Parang bigla kong iniwan ang pagkabata.

9.Iniiwasan kita lately. Kasi madami din akong iniisip e. Gusto ko muna magconcentrate sa iilan. Guilty ako dahil hndi kita kinakausap. Kasi kilala mo ako. Kahit hndi mo obligahin, puproblemahin ko yan e. Kaso hndi ako handa talaga ngayun. Eto yung mga panahong gusto ko munang samahan ang sarili ko. Hayaan mo, lagi naman akong nagmamasid. Konting panahon lang naman to e.

10.Natatawa ako sayo. Pag kasama kita, carefree lang. Wala lang. Magaan ka naman kasama e. Pero ayun, hanggang dito lang to e. May nagawa ka sa akin dati. May nagawa din ako sayo. Pero ayus lang naman.

11.Grabe, kung alam mo lang. Tagal na nating di ngkikita ah? Isa ka pa. Gusto na din kita makakwentuhan e. Alam kong madami kang masasabi. At kadalasan, nagkakasundo tayo. At gusto ko na din ng ka-debate.

12.Alam kong alam mo. Nasabi ko ata dati 'to e. Gusto ko talaga. Pero alam mo na, masaya naman e. Nadala na din ako talaga. Kung pupunta dun, e di pupunta. Isipin na lang: mahaba-haba pa ang biyahe. Take the backseat, and enjoy the journey.

13.Ikaw. Malaki kang badtrip. Pero hindi naman ako galit. Medyo inggit lang. Maswerte ka. Ngayun, alam mo na na paborito ko ang mangga at mansanas. Kaso masama ka. Pinabayaan mo yung mansanas e. Tas ngayun may hawak hawak na naman na mangga. Sana kainin mo naman. Isama mo sa sistema mo. Hindi yung inuulit mo yung ginagawa mo. Sana maramdaman mo na hndi lahat may pribilehiyo ng parehong prutas. Baka naman saging ang gusto mo.

14.Pinagkakatuwaan kita minsan e. Pero hindi mo alam yun. Pero malaki talaga respeto ko sa'yo. Kaya lang, sana lawakan mo naman yang konsiderasyon mo. Kasi hindi lahat kaya ang pinagagawa mo. Tas demanding ka pa. Hinay-hinay lang ha. Kaya naman e. Wag ka lang manulak masyado.

15.Sana wag mo ako sandalan masyado. Kasi dapat ako ang gumagawa nun sa'yo. Kala mo malakas ako. Gusto ko din magpahinga minsan. Nalulungkot ako pag nakikita kitang parang nauupos na kandila. Kaya kailangang saluhin muna ang lahat. Pero inaaalalayan lang kita. Gusto kong makita na isang araw e maayos ka na. Mahirap humugot ng inspirasyon sa ganyang nangyayari.

16.Pasensya na talaga ha. Hindi ko masabi. Kasi pinapangunahan ako ng kung anuman. Siguro someday, magagawa ko naman. Malay mo bukas pala. Dapat ikaw ang nakakaalam nito e. Pero natatakot akong isama ka sa magulong mundo. Pero kung ipipilit mo naman, malamang mabago ang takbo ng desisyon ko.

17.Sana pag nalaman niyo ang lahat lahat, hndi kayo magalit. May rason ang lahat e. Kailangang gawin. Kailangang magsakripisyo. Intindihin niyo na lang. Malaking bagay yun, kung tutuusin.

18.Hindi ko makakalimutan nung kinausap mo ako habang tulog ang lahat. Sabay ata nating hinintay yung bukang-liwayway. Andami kong naisip nung sandaling iyon. Malawak ka mag-isip. Parang tumigil ang mundo nun. Naalala ko tuloy nung tinignan kita nung isang beses na tulog ka din. Hindi ata ako makahinga nun e. Mga 5 minuto.Tama nga sila lahat. Mabait ka. Ubod ng bait. At nag-emanate outward.

19.Kahit pa ako minsan ang nakakalimot, ikaw ata hindi. Lagi kang nagpaparamdam. Kahit pa nalaman mo ang isang bagay, wala kang ipinagbago. Kakaiba ka din e no. Pero masaya ako. Hindi lang halata. Sana mabigyan kita ng atensyon paminsan.

20.Wag ka na lang umalis. Yun lang muna. Hindi naman ako nagmamadali e. Eto lang muna ang gusto ko. Natatawa ako na may ibang mundo tayo na walang ibang pwedeng sumingit. Kahit pa pinagsabihan ako ng iilan na ding nilalang diyan. Sa totoo lang, ng gumulo ang lahat, at the end of the day, eto lang ang naiisip ko na perpektong nagawa ko.

Labels: